The most comprehensive source dedicated to Gail Nicolas.


    Gail contract star na ngayon ng Viva

    Share
    avatar
    Redfences
    Admin

    Number of posts : 15
    Location : NeverLand
    Registration date : 2009-01-06

    Gail contract star na ngayon ng Viva

    Post  Redfences on Sun Jan 18, 2009 9:47 am


    Marami ang nanghinayang sa pagkakatanggal ni LJ Moreno sa Pinoy Fear Factor. Sabi nga, hindi dapat nangyari ang maagang pag-uwi ni LJ sa Pilipinas mula sa Argentina.

    Si LJ nga ang itinutu*ring na pinakamalakas sa mga babae. At siya nga ang sabi-sabi ay puwedeng makatalo sa mga lalaki pagdating sa dulo ng laban.

    Pero, hindi nga nadaig ni LJ ang takot niya sa tubig, kaya hayun at napauwi na siya sa Pilipinas.

    Pero, sabi nga ay siguradong babalik si LJ sa Argentina, para ituloy ang kanyang laban.

    Hindi laban sa Pinoy Fear Factor, kundi ang laban daw niya sa pag-ibig.
    Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napaibig si LJ, o napaibig ni LJ ang Argentine crew na si Maxi. At hanggang ngayon ay sabi-sabing tuluy-tuloy pa rin ang kuwento ng pag-ibig nilang dalawa.Plano ni LJ na mag-focus sa showbiz ngayon. At maging hadlang kaya si Maxi sa mga plano ni LJ?
    Anyway, marami ang kinikilig sa kuwento ng pag-ibig nina LJ at Maxi. Na may mga nagwi-wish nga na magkatuluyan sila at bumuo ng isang pamilya.At hirit pa ng iba, siguradong magiging maganda o guwapo ang magiging anak nilang dalawa, dahil sa mga itsura nila.Isang kaibigan ni LJ ang nagsasabi na mas bongga kung magka-baby si LJ kay Maxi. Ang tanong, type na ba ni LJ na magpabuntis kay Maxi ngayon?Eh, magiging busy na nga siya sa showbiz career niya.


    Siyanga pala, bukod kay LJ, magiging aktibo rin sa showbiz ang ilan pang mga kasamahan niya sa Pinoy Fear Factor, na tulad nina Gail Nicolas, Ram Sagad, Phoemela Baranda, Jose Sarasola, at Elmer Felix.


    Si Gail ay contract star na ngayon ng ng Viva. Si Ram naman ay busy sa pagwu-workshop at audition sa TV at pelikula ngayon.


    Si Phem ay nasa “The Buzz” at “TV Patrol World” pa rin ngayon.
    At si Jose, bagama’t sinasabing ang pagluluto ang hilig, mas bagay talaga siyang pumasok sa showbiz. Pantasya nga siya ng mga babae at bading, no!At si Elmer, type niyang magkaroon ng show sa TV na may kinalaman sa mga hayop.


    Anyway, sa Pinoy Fear Factor ay patindi nang patindi ang laban ng mga natitirang participantes na sina Manuel, Marion, Jommy, RJ, Janna, at Savanah.

    Source:http://www.abante.com.ph/issue/jan1809/ent_other04.htm

    Confirm natin kay sir evo kung totoo ang balitang ito..


    OFF TOPIC:

    Guys..You Can OPEN NEW TOPIC..just press the button at the right side.
    avatar
    mamba24

    Number of posts : 2
    Registration date : 2009-01-17

    Re: Gail contract star na ngayon ng Viva

    Post  mamba24 on Sun Jan 18, 2009 1:49 pm

    woohooo. it means only one thing. mas mkkta na natin c ms. gail sa tv and movies. yehey!
    avatar
    monique
    Moderator

    Number of posts : 13
    Location : quezon city
    Registration date : 2009-01-17

    Re: Gail contract star na ngayon ng Viva

    Post  monique on Sun Jan 18, 2009 8:24 pm

    wow! excited ako to see ms. gail act again.
    avatar
    Redfences
    Admin

    Number of posts : 15
    Location : NeverLand
    Registration date : 2009-01-06

    Re: Gail contract star na ngayon ng Viva

    Post  Redfences on Sun Jan 18, 2009 10:26 pm

    sana nga iconfirm to ni sir evo..kaya lng mukang di pa sya bumibisita dito.
    sino kaya yung nag PM sakin di ko naman nakita..nagerror. confused
    avatar
    natoen

    Number of posts : 16
    Age : 97
    Location : Las Piñas, Philippines/Osaka, Japan
    Registration date : 2009-01-17

    Re: Gail contract star na ngayon ng Viva

    Post  natoen on Mon Jan 19, 2009 10:03 pm

    for sure totoo yan!
    sus viva lang eh, sisiw lang kay mam mapunta sa mga ganun (say nio? ahahahahaha)
    yes mas dadami projects ni mam!
    keep up the gud work~!

    Sponsored content

    Re: Gail contract star na ngayon ng Viva

    Post  Sponsored content


      Current date/time is Tue Nov 20, 2018 10:33 pm